|
Bubuksan pag bored. ^^
-
Dear Izay,
Happy Anniversary! One year na tayo at gusto ko lang magpasalamat dahil umabot tayo ng ganito katagal.
Sana ay mas tumagal pa ang relationship natin dahil sayo ako masaya! Wala na kong hahanapin pang girl dahil nahanap ko na sayo ang qualities ng babaeng mamahalin ko forever. Kahit nagkakaproblema, alam natin na maaaayos natin ito dahil mahal natin
ang isa’t isa. I love you at sana hindi ka magbago! Nandito ako lagi pag kailangan mo ko at hinding-hindi kita iiwan. Happy anniversary ulet! :*
Sincerely, Nitsu
-
hay.. World Peace
minsan na lang ako mag blog (alam yan ng mga followers ko) at nagpost lang ako ngayon dahil masyado nang na stuck sa utak ko ang idea na to…
pag tinatanong ang isang may birthday kung ano ang wish nya minsan may pabirong humihirit na “world peace.” sino nga ba ang ayaw ng world peace? ang malupit na tanong: makakamit nga ba ito?
Dumating ako sa ganitong topic dahil balitang balita ngayon sa TV ang 7 sundalo na napatay sa engkwentro sa mga Abu Sayyaf. Ang disturbing sa balitang ito ay 4 sa mga napatay na ito ay pinugutan ng ulo? Isipin mo, siguro malaki ang galit ng mga teroristang ito para magawang pumugot ng mga kalaban na sundalo.
Matagal ko na din iniisip; bakit hindi natatapos ang giyera sa mindanao? Ilang presidente na ang naupo sa pwesto pero BAKIT hindi pa rin natatapos ang gulo doon?
Naniniwala ako: War is BUSINESS. Nabasa ko siya somewhere and I believe na totoo un. Kung wala nang giyera sa mindanao, pano na ung mga nagbebenta ng baril sa mga sundalo (at pati na rin sa mga rebelde?). Sawang sawa na ko, ilang taon nang tinutugis ang mga terorista sa mindanao. Sa tagal na tinutugis nila ang mga to siguro naman nalibot na nila ang buong mindanao. Grabe…
Hindi naman sa pessimistic ako pero palagay ko ay isang malaking kalokohan ang humiling ng world peace. Alam nyo kung bakit? Kase we keep on pursuing sel-interest. May kanya kanya tayong trip sa buhay… at kung sinuman ang mga kapareho natin ay sinasamahan natin. Ung mga hindi mo kapareho mag isip eh di mo sinasamahan. Kung lumala naman eh nagkakaroon ng violence, nagkakagulo. Un ang nangyayari ngayon sa mundo. Puro gulo… hay… (-_-)
Possible scenarios to obtain world peace: Isa lang ang belief ng mga tao, so wala nang conflict of self-interest Wala nang pakialam ang mga tao sa isa’t isa
ewan. kayo na ang magdecide.
1 note
-
I can do this!
Wow! Pagkatapos ng ilang buwan ay naisipan kong magblog sa tumblr.Amazing no?! Wala lang… medyo bored ako. hahaha!
Gusto kong iblog ang nasa utak ko ngayon. Nakabasa ako ng isang article na isang 22 year old student ang nakasolve sa isa sa napakaraming mysteries na nakabalot sa ating universe… Natuwa naman ako! Isipin mo. 19 years old na ko so basically di kami nagkakalayo ng edad.
Parang nagkaroon ako ng will na mag excel pa sa physics. Physics din naman ang course ko.. Kung ano ang alam ng student na un malalaman ko rin. Di ba? Pareho naman kaming may utak. Sipag at tiyaga pa magiging magaling din ako at may maiko contribute sa ating society. Ano naman kung nag-aaral ako sa isang university na nasa third world country? It doesn’t mean na wala na kong karapatan na matapatan ang mga natututunan nila…
Mag iinvest ako sa mga books at magdededicate ako ng oras para mabasa sila. I can feel it! I must study. study study harder!!!!!
Ayun lang!hahaha.:))))
-
tibsfueraganat:
It is LEGEN-waitforit-DARY!
Awesome! :DD
11 notes
-
(via physicsphysics)
180 notes
-
datapwat:
haha. :))
986 notes
-
damn you 155! >.<
Asar ako ngayon… nagkocode na naman kase ako (or more on nag eedit ng code?)… More than half ng sem ganito na ang ginagawa ko para lang may mapasa akong exercise sa lintek na programming na yan… kaasar. bakit wala akong natutunan sa 155?!!!!
AMP!!!!! pasalamat ako at wala akong 156… pero… what the hell?! wala akong na gets sa 155 palang… naiirita ako kapag nakakakita ako ng list… arrays.. what the fuck… modules.. watever… lalong nakakairita sa akin kapag may group of people na nagdidiscuss at sobrang magtalo sa mga codes nila..
Para gumaan ang loob ko, iniisip ko na lang na applied physics sila… Pure ako. Dapat mas concerned ako sa mga equations na nababasa ko sa mga books at hindi sa mga algorithm shit na dinidiscuss sa lab at lecture….
Ewan.. kailangan ko din daw ng programming dahil hindi lahat ay nasosolve analytically …. May times din daw na aasa ako sa mga numerical methods kaya kailangan kong buksan ang laptop, buksan ang IDLE at mag type ng kung anu anong shit na code…
Frustrated na ko.. ayoko na! baka sa sobrang inis ko i delete ko na ang python pagkatapos ng sem na to… ayoko mag program.. di ako pinanganak para gawin to.. ampotah! >.<
1 note
-
Obsessed for a book. :(
Gustung gusto ko magkaroon ng kopya ng book na Quantum Field Theory by Mandl and Shaw. Ayoko ng kopya lang sa lib… gusto ko sarili kong book!
May ebook naman ako pero gusto ko pa rin pag book ang hawak ko. Pag nakabukas kase ang laptop natetempt akong maglaro or magbukas ng next. Kung book ang hawak ko, pwede akong magbasa sa isang sulok magdamag. hahaha
Habang tinitignan ko kase ung ebook, gustung gusto kong i highlight ung mga concepts na nakikita ko, isolve ung mga steps para umabot sa formula na nakalagay sa book.. isulat sa gilid ng pages ang mga important notes na dapat tandaan.
ang dami kong gagawin sa bakasyon! dapat pag 4th year na ko isa na kong imba na theoretical physicist. Naeexcite ako! hahahahahahaha! XDDDD
-
Taken na ko ni izay.. WALA NA KAYONG MAGAGAWA! hahahaha. XDDD
1 note
-
Mental Breakdown and some shit… >.<
matagal na kase akong hindi nagbablog at nakakasawa nang mag reblog na mga post dito sa tumblr… Wala akong masabi na sa “akin.” hehehe.. sori kung medyo mahaba ang post na to.. medyo naipon na sa utak eh! :)
Mental Breakdown! Patuloy ko siyang nararanasan this month.. Sa dami nang gagawin, umaayaw na ko… bahala na si batman. potah. tsk. Tapos nakikita ko sa fb ung mga status nila na ilang araw na silang nagpupuyat.. medyo naiinggit ako… ewan ko ba. Sumuko na ata ako… Last sem ako ang madalas nagpupuyat pero ngayon lagi na lang natutulog.. ayoko na. :(((
Gusto kong ganahan ulit mag-aral. Sana bumalik ang sipag ko! =l
Eto ung random shit! May konek sa mental breakdown.. Iniisip ko kung worth it pa ba ang inaaral ko. Naimpluwensyahan din ako ng prof ko sa Quantum mechanics… Isipin nyo to; walang bagong physics… You know what I mean… puro mga nakikita kong paper sa mga lab eh.. “the result of blah blah blah using the method blah blah blah.” Ewan ko… dalawa lang yan…It’s either same material pero iba ung method or ibang material pero same method.. There’s nothing new! New naman siya in a sense na hindi pa siya nsausubukan dati… but the physics is the same.. Parang everyone can do that… Sabi nga ng prof ko, Natigil daw ang development ng physics after ng quantum mechanics..
What if hindi sapat ang alam natin ngayon para maexplain pa ang mga nangyayari sa nature? What if kailangan pa natin magdevelop ng bagong theory or math that would explain everything… Sori medyo depress lang. Ilang araw ko na to iniisip…
Salamat sa pagsasayang ng oras para basahin to…
|
|
Hi! ito nga pala ang tumblr site ni Justin I. Alvarez. 3rd year BS Physics student sa University of the Philippines- Diliman. Ang account na to ay ginawa ko noong April 4, 2010 dahil bored ako... saka ang mga nalalagay dito ay napupunta sa facebook sa hindi malamang kadahilanan. Sabi rin ng aking blockmate na nasa UPLB na, wala daw jejemon dito kaya masasabi kong matino ang mga makikita sa tumblr. un lang po. =)
Credits
Design by: ieatfallingstars
Base theme: Sarah Mogin
Powered by: Tumblr
|